Thursday, March 12, 2009

A Good Neighbor does not bear false witness against thy neighbor

May pinakakalat na malisyosong text dito sa atin sa Twinville na ang layunin ay “divide and conquer”:
    “Lahat ng mga taga Twinville magbayad na kayo ng dues.. para safety po ninyo. Maganda na po kalsada na aming pinagawa. Maayos na po ang open space.. di na makapasok magnanakaw. Meron na po ilaw para agad na makita ang mga nagssiping. Bayad na bayad na.. ung ayaw.. wag kayo dito tumira. Txt ni Pol Sison kay Dave Hafong.”
    Sinundan pa ito ng isa pang text na halatang galing sa iisang tao dahil ang mga tuldok nya ay dalawa:
     “Mabuhay ...gusto ng homeowners..magsampa ng impeachment sa pamununuan..on d grounds of abuse of authority, etc etc.. GOOD NEIGHBORS sent by lino datu to Dave Hafong to Ed Parra.”
     Kayo na po ang humusga kung ako nga mismo ang nagpadala nung unang text.
     Ang tanong ... bakit pareho ang style ng pagtext nung una at pangalawa? Pareho ang style namin ni Lino Datu na dalawang tuldok at walang space bago or pagkatapos ng tuldok?
     Check nyo po ang back issues ng Cenacle newsletter kung pareho ng style ko. Tapos, paki-check nyo sa style nung tao na kilala sa paninira ng kapwa. 
     Nakakalungkot pong isipin na sa panahon ng krisis tulad ng kasalukuyan, ay meron pa ring mga tao o kalahating tao na gustong magkawatak-watak ang ating komunidad sa pamamagitan ng pagsimula at pagkakalat ng intriga at kasinungalingan.
     Napilitan lang po tayo na ipaalam sa inyo ang problemang ito para kayo ay forewarned o para maaral nyo rin po ang situwasyon at kayo na mismo ang   maghusga kung maganda talaga ang intention nung taong nagkakalat ng mga text messages na yan.


No comments: