Wednesday, November 26, 2008

D.O.T. "Turismo Mismo" Community Organizers are from Twinville

Sina Manny Tabuzo at Allan Lumbo sa Turismo Mismo! workshops ng Dept. of Tourism sa Club Balai Isabel sa Talisay, Batangas. Kasama nila ang kilabot ng Donsol na si Allan Amanse, presidente ng mga Butanding Interaction Officers or BIO. Kung napanood ninyo ang Donsol: The Movie ... ito ay base sa buhay ni Amanse.

Alam nyo ba na ang mga trouble shooters ni Sec. Ace Durano ng Dept. of Tourism para sa mga problematic ecotourism sites ng Pilipinas ay mga residente ng Twinville?

Sina Allan Lumbo at Manny Tabuzo ay mga community organizers ng ideasman, inc. na siyang nag-conceptualize ng programang "Turismo Mismo!" na madalas mapalabas ang commercial sa TV ngayon.

We should really be proud of Twinville. Hindi lang sila Lumbo at Tabuzo ang mga pambato natin kundi pati ang anak ni Sunny Pagaduan na si Paolo na siya namang community organizer ng World Wildlife Fund (WWF), isang international NGO.

Marami pang mga residente ng Twinville na maipagmamalaki natin ... ang problema hindi ito nalalaman ng karamihan. Kaya't pag meron kayong nais na ating parangalan sa pamamagitan ng pag-feature natin dito sa ating blog ... please email the short write up with embedded picture and accompanying caption to ideasmanph.twinville@blogger.com

Mabuhay ang Twinville! (PS)

No comments: