Tuesday, November 25, 2008

Paano natin gagawing ligtas ang Twinville?

Samahan ninyo kaming mangarap at umaksyon. We believe we can make Twinville safe and pleasant once again. This picture captures our present plight and what our team intends to do about it. The outpost on the right represents our failed attempt at securing Twinville. The lot at the back is one of 28 vacant lots that will be cleared of all unsightly materials and trees where criminals can hide -- then made productive via the "adopt a vacant lot" project of Allan Lumbo. The child on the left serves as our inspiration to strive and succeed in making Twinville safe once again. (PS)

Ito ang aming programa pang kapayapaan at kaayusan:
  1. Gawing priyoridad ng THAI ang peace and order problem.
  2. Mag-lobby para gawing priyoridad ng city government ang peace and order sa ating lugar.
  3. I-secure ang perimeter fence ng subdivision
  4. Humingi ng pahintulot sa city hall para sa 10 gates na bukas sa araw at sarado mula 12-4am. 1 or 2 gates lang ang bukas.
  5. Magtalaga ng 6 na suwelduhang village security guards.  Ayon kay MCF, sasamahan sila ng 1 PNP pulis gabi-gabi at ang city government ang magpapagawa ng police outpost nito. 
  6. Ilipat ang duty ng Bantay Bayan volunteers sa araw (daytime duty). Suportahan ang BB.
  7. Bigyan ng sasakyan at uniporme ang security force para visible at madalas makita.
  8. Bigyan ng walkie-talkie ang mga bantay natin.
  9. Kumbinsihin ang mga residente na maglagay ng kahit isang ilaw sa tapat ng gate nila para lumiwanag ang kalye at sidewalk.
  10. Magdagdag ng ilaw o palitan agad ang mga pundidong ilaw ng Meralco.
  11. Organize residents per block para maging vigilant at nagtutulungan sa seguridad.
  12. Bigyan ng silbato bawat bahay bilang warning system.
  13. Print out a THAI directory para madaling magtawagan pag may problema.
  14. Regular community activities para magkakilalanan ang mga residente at mag-bonding.
  15. Close coordination kay Col. Jong Ramos at PNP.
  16. Madalas na pakikipag-ugnayan at kooperasyon pang-seguridad sa mga opisyal ng mga karatig na subdibisyon.
  17. Limitahin ang pagpasok ng mga scavengers at bote diyaryo. Mag-issue ng ID cards at sitahin ang mga hindi accredited at walang ID.
  18. Manguna sa socio-civic projects para sa mga settlement sites na nakapaligid sa atin.
  19. Maghanap ng sponsor para sa CTV cameras sa piling lugar ng Twinville.
  20. I-consecrate ang Twinville sa proteksiyon ni Saint Michael at sa Mahal na Ina sa pamamagitan ng regular na pagdalo sa Misa at pagdasal ng Santo Rosaryo bilang isang komunidad.
Ang lahat ng ito ay bale-wala kung hindi ninyo kami tutulungan at susuportahan, kakambal. Kaya't halina't makiisa at magmalasakit muli. Samahan ninyo kaming ayusin ang Twinville. Tayong lahat ang makikinabang dito. (PS)

1 comment:

Vince Carter said...

so balak na palang lagyan ng gate tong twinville but alam ninyo matagal pang mangyayari yun, may naisip akong mas madali at mas murang way para maging safe ang twinville.

di ko lang sure kung ok to sa ibang subdivision pero dpat siguro magkaroon tayo ng access road rule..eto bale ung rule na pwede lang daanan ung mga kalye papuntang dona petra, balubad camacho na may oras lang, kunwari ang access road ng dona petra sa jasmin is upto 7 o'clock lang dahil meron namang rosas and milflores na daanan diba, eto naman ay para kumonti ang entry and exit point ng masasamang loob dito sa twinville...

marami akong ideas kung pano magiging safe ang twinville di ko lang alam kung ok na pagusapan to kaya kung meron gustong makarinig ng ideas ko you can e-mail me at vincent_15_carter@yahoo.com. tan narin ung ym ko kaya pwede rin kayo makipag chat sakin regarding this.