Tuesday, November 25, 2008

Kaya ba nating maging model community?


“Libre ang managinip at mangarap”, sabi ni BF.

   

Kaya’t pag nakamit na natin ang “A Safe Twinville” ... ang pagiging isang model community naman ang ating tatargetin.

   

Sabihin nyo sa amin ... ano ba para sa inyo ang isang model community?

   

Para sa amin ito ay tulad ng ibang gated subivision na malinis, maaliwalas, at kaaya-aya. Imaginin nyo ang Twinville na ...

  • sementado lahat ng kalye at konting lubak pa lang ay natatapalan na agad ng semento o aspalto;
  • kulay puti ang mga gutter at “dust-free” ang mga lansangan;
  • lahat ng empty lot ay bukas, walang nakatapal na yero, hindi masukal at may mga tanim na gulay na binibili ng mga residente;
  • may parang club house kung saan pwede mag relax at unwind ang mga residente;
  • may senior citizen hall sa tabing ilong kung saan pwede silang magkape, magbasa ng diyaryo at mag exercise;
  • may working office ang THAI na may tao mula 8am-5pm;
  • maliwanag ang park sa gabi, ligtas at walang masamang elemento kundi mga residente na nag-iinteract;
  • walang pasaway at maingay;
  • bihira ang videoke na nambubulabog ng kapitbahay;
  • lahat ng residente produktibo at may trabaho dahil sa job assistance program ng THAI;
  • may bulletin board kung saan nalalaman ng lahat ang mga nangyayari, ang mga oportunidad, ang paraan kung papaano sila makakatulong sa kapwa, atbp.;
  • may sense of pride or pride of place ang bawat residente;
  • kumikilos ang buong sambayanan;
  • magkakakilala ang lahat ng tao at nagdadamayan;
  • sumusunod sa lahat ng ordinansa at batas;
  • rinerespeto ng ibang subdibisyon o komunidad dahil mahusay makipag kapwa tao ang mga naninirahan dito; at
  • God-centered.

Darating din ang araw na hindi tayo magdadalawang isip na mangimbita sa atin. Ngunit kailangan nating magkaisa. Maraming hirap ang ating daranasan ... ngunit kayang-kaya kung tayo ay sama-sama. (PS)

No comments: